a home is basically where you learn all these things about love, honor, truth and respect.
it's basically the place where you can take refuge when the world hurls all these rotten things that you can barely withstand.
it's basically the place where you feel certain of everything when situations begin to be murky and dark.
i wonder, bakit hindi ganon sa akin?
diba dapat sa kanila manggaling ang respeto? nag-react lang naman ako sa pagtrato niyo sa akin ah. ako nanaman ba ang mali? sabi niyo "PERO, *****(<- relationship) mo pa rin sya . . .", eh pano ako? ibig sabihin ba non na dahil ngayon siya ang ***** ko, pwede lang akong iTreat like that? pwede lang kalimutan na tao rin ako? may isip at may feelings?
kaya nga hindi na tlga ako nagtataka kung bakit napapaisip sila kung bakit parati akong wala sa bahay.. kasi, kung tutuusin, mas feel ko pa ang
HOME ko sa school. kung hindi lang siguro ako pinapakain at tinutustusan ang araw araw na needs ko, eh marahil sa school na rin ako nakatira o kung san ba andiyan ang friends.
buti pa kasi sa kanila, natututo akong magmahal, magrespeto, maging initiative, maging matulungin, mapagbigay at maging pasensyoso..
oo, wala naman sigurong bahay na perpekto, pero bakit napaka twisted ng akin?
alam mo, ang laki laki rin kasi ng
PRIDE mo... ayaw mong bumaba. ewan ko. ang yabang mo lang talaga siguro. hindi mo man lang makita na nakakasakit ka na, na nakakatapak ka na ng dignidad ng iba... at eto pa, ikaw pa ang may ganang magalit. eh kamusta naman yon? at ang masaklap, ako pa tuloy ang dinedemandahan na umunawa at mag adjust. kasi nga, ***** siya, ako, isang anak lang..
ok rin ang logic mo noh. hindi nga rin kita masisisi. siguro, ganiyan ka rin pinalaki sa bahay mo, pero sana, marealize mo, iba ako, iba ka rin.. alam kong kaya kong mag adjust pero hindi yon ang sinasabi ng aking prinsipyo..
hehe.. alam mo, mag iilang taon na ako, dala dala ko pa rin ang hinanakit na to.. hindi mo alam, all these years, ikaw ang dahilan kung bakit ako lumalaking suicidal. hindi mo alam un, kasi masyadong malaki ang pride mo para tingnan kung ano nang nangyayari sa paligid mo.. hindi mo alam, i wrote poems that are suicidal in nature while i was still in grade school. biruin mo, ilang taon pa yun ako..
isang lang pangarap ko, na sana, kahit sa paglaki ko at sa pagdadala ng mga hinanakit na ito, hinding hindi ko ito maipasa sa magiging anak ko or sa mga batang gusto kong turuan at tulungan..
this grudge, this stain, this scar.. these things are forever, you know?
:'|